Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2017

So close yet So far

Gwapo, mabait, mayaman at matalino. He is one of a kind. Yan ang dahilan kung bakit very popular sya sa school namin. Siya halos ang panlaban sa mga contest at nag-uuwi ng mga parangal. He shows great academic knowledge at dahil dun proud na proud ako, siya ang iniidolo ko eh. Isang makulimlim na panahon noon pero pumunta pa rin ako sa rooftop para makita ang paligid, nakakadismaya nga lang dahil hindi ko masisilayan ang paglubog ng araw. Paalis na ko nung may biglang dumating na lalaki, umupo at tumugtog ng kanyang gitara. Nagtago ako sa plywood na nasa isang tabi at siniyasat ang misteryosong lalaki. Si Mabic. Sa aking pagsiyasat tila ako'y nahalata at kanyang nilapitan. "Anong ginagawa mo diyan?" nagtataka  nyang tugon. "Ah, eh nagpapahangin lang" sambit ko. Simula ng araw na yun nagkausap kami at madalas ng magkita. Sa apat na taon, naging matalik kaming magkaibigan, madami ng alam tungkol sa isa't – isa at habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa k...

Every family is different

                                            Madalas ako ang napagsasabihan ng mga sikreto ng aking magulang. Marahil dahil sa ako ang panganay. Pansin ko ang bigat na nadarama sa tuwing pamilya ang mapag-uusapan. Hindi ko alam ang isasagot sa bawat tanong na ibinabato nila. Pinipilit kong magsawalang-kibo at wag ipakita ang reaksyon ng aking mukha. Oo. Masyado pa akong bata para seryosohin ang ganitong senaryo. Ngunit masisisi mo ba ang isang anak na kaayusan lamang ng kanyang pamilya ang hangad? Bilang bata, wala akong magawa kundi ang pakinggan ang lahat ng kanilang sasabihin. Mga problemang kinikimkim ng bawat isa sa kanila. Pero iniintindi ang iba't-ibang pananaw na sa akin ay ipinauunawa.       Tunay ngang malalim ang pagpapakahulugan sa salitang pamilya. Hindi laging masaya, dadaan at dadaan pa rin talaga ang mga bagay na susubukin ka. Pero ang ...