Lumaktaw sa pangunahing content

So close yet So far

Gwapo, mabait, mayaman at matalino. He is one of a kind. Yan ang dahilan kung bakit very popular sya sa school namin. Siya halos ang panlaban sa mga contest at nag-uuwi ng mga parangal. He shows great academic knowledge at dahil dun proud na proud ako, siya ang iniidolo ko eh. Isang makulimlim na panahon noon pero pumunta pa rin ako sa rooftop para makita ang paligid, nakakadismaya nga lang dahil hindi ko masisilayan ang paglubog ng araw. Paalis na ko nung may biglang dumating na lalaki, umupo at tumugtog ng kanyang gitara. Nagtago ako sa plywood na nasa isang tabi at siniyasat ang misteryosong lalaki. Si Mabic. Sa aking pagsiyasat tila ako'y nahalata at kanyang nilapitan. "Anong ginagawa mo diyan?" nagtataka  nyang tugon. "Ah, eh nagpapahangin lang" sambit ko. Simula ng araw na yun nagkausap kami at madalas ng magkita. Sa apat na taon, naging matalik kaming magkaibigan, madami ng alam tungkol sa isa't – isa at habang tumatagal mas lalo akong nahuhulog sa kanya.  Araw ng Linggo ng pumunta siya sa bahay para ipagpaalam ako kina Mama na mag-aarcade kami. Oo, pinapayagan nila ako basta si Mabic ang kasama. Kilala na kasi sya ng mga magulang ko at madalas siya kung pumunta sa amin. Sa dati pa ring gawi, siya pa rin ang nananalo tuwing maglalaban kami. Alas otso na ng gabi pero ayaw nya pa umuwi. Hinawakan nya lang ang kiamay ko at dinala sa pinakapaborito kong lugar na madalas kung puntahan namin, sa beach kung saan pagmamay–ari nila. Nagbonfire kami habangnakikinig ng kanta at pinagmasdan namin ng tahimik ang mga bituin ng biglang may fireworks kaming nakita. Iba talaga ang epekto ng fireworks, nakaka special. "Happy birthday Cali!" nakangiti nyang bati sakin habang dala – dala ang favorite chocolate ice cream ko. Kumakanta naman mula sa likod namin sina Tito at Tita, ang pamilya nya kasama sina Mama't Papa. Masaya. Masaya kasi kasama ko ang mga mahal ko. Siyempre, si Mabic. He made my birthday extra special. Lumipas ang mga buwan at dumating na ang pinakakahihintay namin, ang Graduation Day. Tinawag isa – isa at binigyan ng kanya – kanyang diploma. This is also the day I wanted to tell what I really feel for him. Kaya bago matapos ang gabing yun, I looked at Mabic and said that he need  something to know about. Dumating sya at ready na ko for the real thing. Finlashback ko lahat mula ng kami ay magkakilala. Like, sa rooftop yung first meeting namin. Ansarap balikan. Marami na pala talaga kaming pinagsamahan. It was fun. I still dream about it.  About how we fooled around and laughed together. Nakakabingi ang katahimikan at parang tibok na lang ng puso ko ang naririnig ko.  I stared at him for a long time and the words fell from my lips.“I liked you. I don’t care even if you have feelings for someone else. I’m not going to wait for my love to be returned anymore. Even if you won’t deal with me on that level, it won’t change the fact that I have feelings for you. That’s enough.” I whispered. I smiled and I kept my head bowed as I get no reply. I knew tears began to fill my eyes, and these tears were tears of hurt brought about by the feeling of helplessness as I walked away. Sa buhay walang imposible kailangan mo lang maniwala at  kung hindi mo susubukan, hindi mo malalaman.

Mga Komento

  1. Tiwala lang,Don't be affraid to your feelings

    TumugonBurahin
  2. Sino ba si mabic ng buhay mo? Whahaahahah charot

    TumugonBurahin
  3. Unahan palang interesting na. Ganda.. ko. lol joke Mahusay!

    TumugonBurahin
  4. Kaso sad ng ending.. Baka may sagot sya kaso di pa ready. :)

    TumugonBurahin
  5. Take risk,...di malalaman ang resulta kung di susubukan....mas mahirap mag assume :)

    TumugonBurahin
  6. 素晴らしいです。Ang Galing nmern (・ิω・ิ)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Every family is different

                                            Madalas ako ang napagsasabihan ng mga sikreto ng aking magulang. Marahil dahil sa ako ang panganay. Pansin ko ang bigat na nadarama sa tuwing pamilya ang mapag-uusapan. Hindi ko alam ang isasagot sa bawat tanong na ibinabato nila. Pinipilit kong magsawalang-kibo at wag ipakita ang reaksyon ng aking mukha. Oo. Masyado pa akong bata para seryosohin ang ganitong senaryo. Ngunit masisisi mo ba ang isang anak na kaayusan lamang ng kanyang pamilya ang hangad? Bilang bata, wala akong magawa kundi ang pakinggan ang lahat ng kanilang sasabihin. Mga problemang kinikimkim ng bawat isa sa kanila. Pero iniintindi ang iba't-ibang pananaw na sa akin ay ipinauunawa.       Tunay ngang malalim ang pagpapakahulugan sa salitang pamilya. Hindi laging masaya, dadaan at dadaan pa rin talaga ang mga bagay na susubukin ka. Pero ang ...